Si Ex ay si ex. haha! meaning past guy na naging karelasyon ko noon. Katrabaho ko siya. Nag start ako as trainee hindi ojt ha? trainee for job purpose talaga. Siya naman kakarecommend lang den sa kanya. meaning pareho kami BAGUHAN sa work. Ahead sa akin ng 3 years. Marami na siyang work na pinanggalingan ako naman kakagraduate lang. Nag-umpisa kame as literal na kakilala lang. hindi friends pero at least alam namin pangalan ng isa't isa. tapos lumipas ang ilang buwan at tuluyan na akong na hired sa work. Dun kame nag-umpisang maging magkaibigan. At ayun na nga pagkalipas ng ilang buwan, nagligawan at nauwi sa isng relasyon... RELASYONG tumagal lang ng 9 na buwan.
kaya EX ko na siya ngayon. :)
Mag iisang taon na rin kaming hiwalay ngayon. To be exact 11 months na kaming nagkanya-kanyang buhay. Pero magka work pa rin kame ngayon ha? haha! akward ba? Syempre OO noon..
Pero ngayon, as in ngayon hindi na. Siguro naka moved on na ang tawag dun. Hindi ko den alam eh. basta hindi na ako GALIT at wala na din yung PAIN na nararamdaman ko dati.
Ngayon, Kaya ko na siya makita, makasalubong, makausap, makabiruan, makatrabaho at higit sa lahat kaya ko na siya tignan sa mata ng walang kahit anong nararamdaman pa. NO more grudge..
No more pain... No more feelings. Basta normal na lang. MAGKA-TRABAHO.
Naalala ko noon sinabi ko sa sarili ko na.."maaaring down at basura ako ngayon kasi iniwanan na lang ako basta, Hindi ako magkukunwaring hindi nasasaktan. Dahil gusto ko namnamin lahat ng sakit ng ginawa mo sa akin. Gusto ko lasahan ang pait ng niloko, ginamit lang at iniwan. Hindi ako mahihiyang makita mo o ng lahat na nasasaktan ako. Iiyak ako hanggat gusto at kailangan ko umiyak, hindi dahil para magmukhang kawawa. Kundi dahil alam ko mapapagod den ako. Magsasawa din ako.
Pero darating den ang araw na mabubuo ulit ako. Hindi dahil sa iba, kundi sa sarili kong pamamaraan. Mabubuo ko ulit ang sarili ko tandaan mo yan. Alam kong hindi pa ngayon. pero darating yon. At maghanda ka dahil kaya na kita makita, makasalubong at makausap at tignan sa mata na wala ng kahit anong nararamdaman pa para sayo. Minahal kita noon..
at maaalala na lang kita sa paraang paano kita nakilala, ngayon.."
Simula sa araw na iniwanan nya ako at mas pinili yung isa. Tinuldukan nya na ang kwento naming dalawa.
Syempre hindi ko kayang sabihin yan sa harap nya noon. Isinulat ko lang lahat yan sa laptop ko.
meron kasi akong ginawang compilation ng bawat araw na nagluluksa ako. Nag LULUKSA talaga eno? OO, yun talaga ang term kase tinawag ko iyong "40 DAYS of GRIEVE". Sayang nga lang at nabura sa laptop kasi ipinareformat. Meron pa akong back-up sa cellphone sana kaso bigla naman nag update ang cp ko kaya nabura den ng wala akong malay. Gustuhin ko man ishare sa inyo ang actual na nilalaman ng "40 days of grieve" ko, ngunit wala na akong kopya. Hay.. saklap. Ala-ala pa man din sana un kung paano ako naka moved on. :(
At ayun na nga dumating na nga ang araw na sinasabi ko. Isa na lang siyang kakilala sa akin ngayon.
Maaaring wala na ang galit at sakit ngayon, pero tinandaan ko ng mabuti ang bawat ala-ala ng nakaraan. Dahil nagsilbi itong leksyon sa akin na dapat kong matutunan sa pag-ibig. Hindi hadlang ang lamat ng kahapon para muling maging magkaibigan ang dalawang dating mag karelasyon.
-Ticktalk627
Follow me on:
www.Instagram.com/kharenlibanan
www.facebook.com/kharenlibanan
No comments:
Post a Comment